Palace: Hindi kay Ochoa ang ‘glass mansion’

MARIIN na pinasinungalingan ni Executive Secretary Paquito Ochoa ang akusasyon sa kontrobersyal na ‘glass mansion’ sa Quezon City. Kasabay sa pahayag ni Ochoa ay nanindigan din ang Malakanyang na hindi kay ES Ochoa ang bahay.

Nalugod ang Malacañang sa naging makatotohanang pahayag ni Ochoa sa bintang na ang ‘glass mansion’ ay pag-aari niya. Sinabi ng taga-pagsalita ng Pangulo na si Edwin Lacierda  a pinatutunayan ng dokumento na hindi si Ochoa ang may-ari ng nasabing ari-arian. ”Batay sa mga dokumento, wala ang pangalan niya bilang may-ari ng nasabing bahay at hindi siya bahagi ng stockholders ng record ng korporasyon. Kaya ang nasabing kasulatan ang magpapatunay nito,” ani Lacierda sa ginawang press briefing noong nakaraang Martes.

Ayon pa kay Lacierda, malinaw na nakalagay sa kasulatan na hindi si Ochoa ang may-ari ng nasabing ari-arian. Idinagdag pa ni Lacierda na ipinauubaya na nila kay Ochoa ang pagpapasiya kung ano ang hakbang niyang gagawin, gayong mayroon na siyang ginawang pahayag tungkol sa ibinibintang sa kanya na bahay.

VK NG MGA PULIS DI KAYANG BANGGAIN

Sa Parañaque pa rin, hindi umaaksyon ang kapulisan sa pamumuno ni Supt. Alfredo Valdez sa pagsugpo sa talamak na operasyon ng mga video-karera ng mga pulis na sina Capt. Caise, Noynoy, Antonino at ang civilian na alyas Vic.

Nagsimula sa pagueril-la-guerilla lang ang ope-rasyon ng mga vk ng gru-po ni Capt. Caise pero nang di kalaunan, matapos na mabigyan ng go-signal ng isang alyas Wandy ng Mayors Squad, ay lalong lumawak ang operasyon.

Halos buong lugar sa Parañaque ay nalatagan ng mga VK  nina Capt. Caise.

Anomang reklamo o pu-na ay itext lang sa 0918-9274764, 09266719269 o e-mail sa juandesabog @ yahoo.com. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply