Palakasan sa kanayunan, isusulong ni Revilla

PLANO ni Bacoor Mayor Strike Revilla bilang pangulo ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) na hikayatin ang mga lider ng lokal na pamahalaan sa bansa na isama sa kanilang prayoridad ang pagsusulong ng programa sa palakasan at physical fitness.

Nanawagan din ang batang alkalde sa mga kapwa mayor na maglaan ng panahon sa mga programang pampalakasan partikular sa mga kanayunan.

Si Revilla na isang dating manlalaro ng basketbol noong nag-aaral pa siya ay ipinangakong pangungunahan ang paghahatid ng dagdag na kaalaman sa kabutihang dulot ng sports at physical fitness sa mga kasapi ng liga para ibahagi sa kanilang nasasakupan.

Ipagpapatuloy rin ni Revilla ang implementasyon ng programa hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino bilang LMP president. Radito Torres

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply