Palasyo hindi na ililigtas ang 3 bibitaying Pinoy

SUKO na ang Malakanyang sa pagsusumikap nitong mailigtas pa ang tatlong Pinoy na nakatakdang bitayin sa bansang China matapos mahatulan may sala sa kasong drug trafficking.

Ito ang tugon ni presidential spokesman Edwin Lacierda sa ulat na pinal na ang desisyon ng gobyernong Tsino na bitayin sina Sally Villanueva, Ramon Credo at Elizabeth Batain matapos pagbigyan ang Pilipinas sa hirit nitong ipagpaliban ang pagpataw ng kamatayan sa tatlo.

Nakatakdang bitayin ang tatlo sa China noong Pebrero 21, 2011 subalit na-postpone ito nang makipag-usap si Bise Presidente Jejomar Binay sa matataas na opisyal ng China.

“Malungkot po ang nangyari, pero ‘yun po ang talagang naging decision po ng China, so they are subject to Chinese laws and rules,” ani Lacierda.

Dagdag pa niya: “We respect their decision. I would imagine that we will try to, but  we have to respect the decision of the Chinese authorities on that matter.”

Inamin ni  Lacierda na kahapon lamang nila nalaman na tuloy na ang pagbitay sa tatlong overseas Filipino worker.

Bahala na aniya ang Department of Foreign Affairs (DFA) na magpaliwanag sa pamilya ng tatlong Pinoy na bibitayin sa China. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply