Palasyo sa kaanak ng OFWs sa Libya: ‘Wag kayo matakot

WALANG nakikitang dahilan ang Malakanyang para matakot ang mga kaanak ng OFWs sa Libya dahil malapit nang matapos ang ginagawang repatriation ng pamahalaan sa kanilang mga mahal sa buhay sa Libya.

Ito ang reaksyon ng Malakanyang nang aprubahan ng United Nations (UN) Security Council ang no-fly zone resolution sa Libya habang nakahanda na rin ang Estados Unidos na magsagawa ng military action kung kinakailangan.

Ayon kay Communications Secretary Ricky Carandang, iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) kay Pangulong Benigno Aquino III na mahigit 90 porsiyento ng mga Pilipino sa Libya ay nakauwi na sa Pilipinas at kapiling na ang mga mahal sa buhay.

Aniya, tinatayang nasa 2,500 na lamang ang mga OFW na naiwan doon, karamihan ay medical personnel na kusang nagpaiwan para tumulong sa mga biktima at maysakit sa Libya.

Samantala, ang iba pang Pinoy doon ay nakapag-asawa na ng Libyan national at nagpasyang manatili upang kapiling ang kanilang pamilya doon. Kris Jose

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply