Palasyo sa oil firms: Magpakatotoo sa presyo ng langis

HINIKAYAT ng Malakanyang ang mga kompanya ng langis na maging totoo at tapat sa pagsasabi kung ano ang talagang presyo ng produktong petrolyo lalo na’t hindi na stable ang presyo nito sa pandaigdigang pamilihan bunsod ng kaguluhan sa Gitnang Silangan at Hilagang Africa.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Atty. Abigail Valte na nakabantay ang Department of Energy sa presyuhan ng langis upang matiyak na naaayon sa tamang halaga ang ipinapataw ng oil companies.

Nauna nang tiniyak ni Energy Sec. Jose Rene Almendras para sa bukas na pakikipagpulong sa panig ng mga consumer partikular sa kampo ni Oil Price Watch chairman Raul Concepcion.

Napag-alaman na iba ang pormula na ginagamit ng grupo ni Concepcion para sa dapat na itaas na presyo ng mga produktong petrolyo sa pagsusuma-total naman ng mga oil company. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply