Palasyo umaksyon na sa bagong kontrobersya ni Willie

SANHI ng napakaraming complaints na tinatanggap, umaksyon na ang Office of the President sa pamamagitan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na i-akyat na sa Hearing and Adjudication Committee (HAC) ang pinakahuling kontrobersiya na kinasasangkutan ni TV host Willie Revillame at programa nitong “Willing Willie” na ume-ere sa TV5.

Ito ay bunsod sa mga bumahang complaints sa MTRCB kaugnay sa pagpapasayaw ni Revillame ng “macho dancing” sa isang batang lalaki habang ito ay umiiyak.

Nakatakdang pag-aralan ng HAC ang episode ng naturang programa na napanood noong Marso 12 kung saan ay natunghayan ng publiko ang isang anim na taon na batang lalaki na gumigiling at tila ginagaya ang isang macho dancer.

Ayon sa ulat ni MTRCB chair Grace Poe Llamanzares sa Palasyo, ang bagong kontrobersya ng TV host ay pasok sa sinumpaang posisyon ng MTRCB na ipatupad ang mandato ng Konstitusyon na pangalagaan ang karapatan ng kabataan mula sa anumang klase o uri ng pagpapabaya, pang-aabuso, pagmamalupit, eksploytasyon at mga kauri na makakaapekto sa paglaki ng maayos ng naturang bata.

Pinaalalahanan din ni Llmanzares ang ibang TV networks na maging maingat sa paggamit sa mga kabataan at siguraduhin na protektado at nagagalang ang mga nabanggit na karapatan ng mga bata na lumalabas sa kani-kanilang mga programa sa telebisyon.

“The Board further emphasizes that whenever children are featured in television programs, producers are mandated to observe legal standards stipulated in R.A. 7610 to avoid psychological abuse, cruelty, sexual abuse and emotional maltreatment and any act by deeds and words which debases, degrades or demeans the intrinsic worth and dignity of the child,” diin pa ni Llamanzares. Axel Sam

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply