Paliwanag ng prosecutor hinihingi ni Ochoa

DAHIL sa patuloy na pag-pupunyagi ni Pang. Noynoy Aquino na lupigin ang mga katiwalian at pandarambong sa ilalim ng kanyang administrasyon, sinimulan ng Malacanang  ang administrative proceedings laban sa ilang special prosecutors ni Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Sinabi ni Executive Sec. Paquito Ochoa na pinagpapaliwanag ng Palasyo si Special Prosecutor Wendell Sulit ng Ombudsman kung bakit hindi siya dapat parusahan hinggil sa kaduda-dudang plea bargain deal sa retiradong opisyal ng AFP na si Gen. Carlos Garcia. Inilabas ni Ochoa ang show-cause order na nag-aatas kay Sulit na magpasa ng paliwanag (in 5 days) kung bakit hindi dapat magkarooon ng administrative disiplinary proceedings laban sa kanya.

Ang pagsusulong ng kasong administratibo ay ibinabase nila sa rekomendasyon ng Kongreso na nagsisiyasat sa plea bargain agreement sa dating military comptroller. Ito ang lumalabas sa pagsipi ni Ochoa sa Section 8 ng Republic Act 6770 o Ombudsman Act of 1989. Aniya ang Special Prosecutor, tulad din ng Ombudsman, ay maaring mapatalsik kung nakagawa ng culpable violation of the Constitution, treason, bribery, graft and corruption, other high crimes  or betrayal of public trust.”

MAY BOOKIES NG STL SA SAN PABLO CITY

Sa San Pablo City, Laguna ay hindi pa rin tumitigil sa operasyon ang bookies ng STL ni Don Ramon. Ipino-front ni Don Ramon ang prangkisa ng STL sa Philippine Charity and Sweepstakes Office.

Maliit lang ng porsiyento ng kabuuang kubranza ni Don Ramon ang ipinapasok nito sa STL ng PCSO. Ang malaking kubranza ay inilalaban naman ni Don Ramon sa kanyang bookies ng STL.

Malakas at maimpluwen-siyang tao si Don Ramon kaya kahit sino sa mga kapulisan ay kayang-kaya niyang bayaran. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply