Pamahalaan makikialam kung makikitang umaabuso na ang oil companies

POSIBLENG pigilan ng pamahalaan ang labis na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sakaling mayroon nang emergency situation.

Ayon kay Energy Usec Jay Layug, idinideklara ang “emergency situation” kapag mayroon nang problema sa suplay ng produktong petrolyo at kung umaabot na sa mahigit P60 ang presyo ng kada litro ng gasoline.

Sinabi ni Layug na maaari din pumagitna ang pamahalaan sa presyuhan kapag nakitang nang – aabuso na ang mga kumpanya ng langis sa pagtatakda sa presyo ng mga ito.

Malaki ang posibilidad na magkaroon pa ng isang round ng oil price hike ngayong lingo.

Sinabi din ni Layug na batay sa kanilang kumputasyon ay nasa pagitan ng 2 hanggang 2.25 piso ang dapat itinaas ng kumpanya ng langis atnagpapasalamat silang hindi lumagpas sa dalawang piso ang ipinatupad na oil price hike.

Binigyang diin din nito na bagamat hindi makokontrol ng pamahalaan ang presyo ng langis sa local pump dahil sa Oil Derregulation Law, mayroong namang ginagawang hakbang ang pamahalaan para maibsan ang mataas na presyo nito.

Kabilang sa mga naturang programa ayon kay Layug ang paghihikayat sa mga operator ng pampublikong sasakyan na i – convert ang makina sa LPG o di kaya sa electric energy at pati narin ang oil exploration.

Tiniyak din ng Energy Undersecretary na mayroong sapat na suplay ng produktong petrolyo ang Pilipinas.

Ayon kay Layug, bukod sa pagtitiyak ng mga kumpanya ng langis, siniguro na rin ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) ang sapat na suplay nito sa pandaigdigang pamilihan. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply