Pamahalaan ng Japan nagpasalamat sa Pilipinas

PINASALAMATAN ni Japanese State Secretary for Foreign Affairs Yutaka Banno ang Pilipinas dahil sa pagtulong at pakikisimpatiya ng bansa sa mga biktima ng dalawang magkasunod na kalamidad sa Japan.

Kaugnay nito, muling ipinaabot ni Manolo Lopez,  Philippine ambassador to Japan, ang pakikiramay ng Pilipinas sa mga biktima ng sakuna. Ito ay matapos na dumating sa naturang bansa ang 10.11 metric tons ng relief goods mula sa Pinas.

Samantala, ikinalulungkot naman ni Banno ang balitang may nasawing dalawang Filipino sa tumamang tsunami doon.

Tiniyak din ng Japanese government na tutulungan nila ang Pinas sa paghahanap sa iba pang nawawalang Pinoy sa iba’t ibang parte ng Tohoku region.

Sa kasalukuyan, may 140 Pinoy pa lang ang na-rescue ng embahada sa nasabing rehiyon at ang mga ito ay nasa evacuation centers sa Tokyo. Remate Online

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply