Pamalit sa mga isinarang school buildings tinututukan ng DepEd

NAGSASAGAWA na nang masusing pag-aaral ang Department of Education (DepEd) para masolusyunan ang problemang idudulot ng pagpapasara sa sa apat na quake-prone schools sa Metro Manila.

Ayon kay DepEd Undersecretary Yolanda Quijano, malaking problema ang kakaharapin ng mga estudyante dahil sa ginawang pagpapasara ng DepEd sa apat na paaralan.

Aniya, kung may mga pumpublikong gusali na hindi pa ginagamit ay makikiusap umano sila para pansamantalang gamitin ng mga mag-aaral sa darating na pasukan.

Isa pang alternatibong tinitingnan ng DepEd para mabigyan ng solusyon ang problema ay ang “learning delivery system.”

“Sa high school, may modules para sa mga batang ‘di gustong pumasok every day. Dadalhin sa bahay ang modules at may teacher-facilitator na titingin. Titingnan namin paano io-organize at sino ang in-charge sa material production,” ani Quijano.

Una ng iniulat ng DepEd na may kabuuang 778 na school buildings sa bansa ang may “structural defects” at ang 107 sa mga ito ay nasa Metro Manila na nanganganib “gumuho” kapag nagkaroon ng malakas na lindol tulad ng tumama sa Japan.

Kasama sa mga ito ang Bagong Silangan Elementary School at Bagong Silangan High School sa Fairview, Quezon City; Concepsion Elementary School sa Malabon at Teodoro Alonzo High School sa Maynila na pawang ipa-padlock na ng DepEd. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply