Pambabraso ng administrasyon para sa postponement ng ARMM election tinuligsa sa Kamara

TINULIGSA ni Rep. Raden Sakaluran ng unang distrito ng Sultan Kudarat ang pambabraso ng administrasyong Aquino para ipagpaliban ang eleksyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na nakatakda sa Agosto 8, 2011.

Ayon kay Sakaluran, nakakadismaya ang pananakot ng administrasyon na hindi na bibigyan ng pondo ang ARMM kapag hindi nai-liquidate ng maayos ang P1 bilyon na umano’y nawawala.

Naniniwala ang mambabatas na idinadahilan lang ito para suportahan ang kagustuhang   ipagpaliban ang eleksyon ng ARMM sa 2013.

Nauna rito ay ang pahayag ni Interior Secretary Jesse Robredo na dapat magsagawa muna ng audit sa ARMM bago ganapin ang eleksyon.

May mga pamamaraan naman aniya  na  habulin ng  gobyerno ang ARMM officials na umano’y  dumispalko ng  P1 bilyong pondo.

Ikinatwiran ng mambabatas na hindi dapat na madamay ang  itinakdang botohan dahil lamang  sa pagkuwestiyon ng pondo ng ARMM.

Malinaw aniyang ito ay pambabraso ng administrasyon para sa postponement ng ARMM election kung saan ang  mga mamamayan na ang direktang apektado.

Iginiit ni Sakaluran ang naging  posisyon ng Integrated Bar of the Philippines (IBP)  na puwedeng magsagawa ng audit sa ARMM nang hindi isinasakripisyo ang eleksyon doon.

“The people of the ARMM have spoken in the series of hearings held by the House committee on suffrage and committee on Muslim affairs. They are against the postponement and the appointment of a caretaker government at ARMM.” Ani Sakaluran.

“The administration should respect the will of the people of ARMM because the postponement of the election and the appointment of officers in charge (OICs) in the region would make a mockery of our autonomy, ” dagdag pa ng mambabatas.

Libu-libong taga-ARMM ang nag-rally laban sa pagpapaliban ng eleksyon, na tinutulan rin ng ARMM Regional Legislative Assembly (RLA) sa isinagawang hearings ng House of Representatives sa Cotabato City, Marawi City at Zamboanga City. Beth Aragon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply