Pambabraso ng Pangulo sa LP solons di dapat – Bongbong

KWESTIYUNABLE na ang kalayaan ng Kamara de Representantes matapos na pulungin ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang mga kongresistang miyembro ng Liberal Party (LP) at hilingin sa mga ito na suportahan ang pag-usad ng mga kasong impeachment laban kay Ombudsman Merceditas Gutirrez, ayon sa isang senador.

Kahit pa sabihing may ebidensya laban kay Gutierrez, ayon kay Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, iisipin ng taumbayan na hindi patas ang naging desisyon laban dito dahil sa ginawa ni Pangulong Aquino.

Dapat na walang dudang independyente at hindi partisan ang desisyun o paghuhusga ng mga senador, paglilinaw ni Marcos.

Binigyang-linaw pa ni Marcos na ang magiging desisyun ng senador ay depende sa ebidensya na ipiprisinta sa impeachment court.

Magugunitang tiniyak ni Senate President Juan Ponce Enrile na handa ang Senado na tumayong impeachment court sakaling tuluyang isumite ng Kamara sa Senado  ang article of impeachment laban kay Gutierrez.

Tikom naman ang bibig ng mga kaalyado ni Pangulong Aquino na sina Sen. Franklin Drilon at Sen. Teofisto Guingona subali’t tiniyak nila na walang senador na dumalo sa ipinatawag na LP meeting ng Pangulo.

Magugunitang dinaluhan ng 59 LP congressmen ang caucus ng partido sa Balay Cubao na sumuporta sa impeachment complaints laban kay Guttierrez.

Kinumpirma naman ni House Deputy Speaker Erin Tañada na nagbigay na ng marching order si Pangulong Aquino sa LP na suportahan ang impeachment.  Linda Bohol

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply