Pamilya Dacer kay Ping: Sino ang mastermind?

HINAMON ng pamilya Dacer si Senator Panfilo Lacson na ilantad kung sino ang mastermind sa pagpatay kina publicist Salvador “Bubby” Dacer at driver nito na si Emmanuel Corbito noong Nobyembre 2000.

Sa ginanap na pulong balitaan sa National Press Club (NPC), sinabi ni Atty. Demetrio Custodio Jr., legal counsel ng pamilya Dacer, na hinahamon ng pamilya Dacer si Lacson na sabihin kung sino ang talagang mastermind sa pagpatay kina Dacer at Corbito.

“He (Lacson) asked the Dacers to open their eyes and not get fixated with the idea that he was the one behind the 2000 murders,” ani Custodio. “Senator (Lacson), we only proceeded with the evidence presented to us, evidence that was available to us.”

Nito lamang Sabado ng umaga, Marso 26, ay dumating sa bansa si Lacson sakay ng Cathay Pacific na lumapag sa Cebu saka lumipat sa isa pang private jet patungo ng Maynila.

Nauna nang inihayag ng National Bureau of Investigation (NBI) na tinanggal na ang pangalan ni Lacson sa red notice ng Interpol base na rin sa kautusan ng Court of Appeals (CA).

“If you had an inkling of who was behind the killing and you really feel with your heart and soul for the victims was and you are public servant, why not share your ‘inkling’?” nakasaad sa statement pamilya Dacer.

Sinabi ni Custodio na  naintindihan umano nila ang pakikipagtulungan ni Lacson sa pamilya Dacer hangga’t hindi umano ito na-pressure.

He simply needs to give the victims the information he has, which he, in his prior Senate speech, seems to have,” ayon pa sa abogado.

Sa  panig naman ni Lacson, sinabi ng abogado nito na si Atty. Joemer Perez na hindi umano binanggit ng senador kung sino ang mastermind dahil sa nangangalap pa umano ito ng malakas na ebidensya bago sabihin kung sino ang ito.

Ikinagulat naman ng pamilya Dacer ang pagbabalik ni Lacson sa bansa.

“A person who is supposedly elected to create and uphold the law, is publicly proclaiming how he successfully evaded the very same laws he was elected to uphold,” ayon pa kay Custodio at sinabi pa nitong “We do not understand what was so impressive about evading arrest.”  Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply