Pamilya Dacer kay Lacson, ‘wag masyadong pakasaya’

HINDI pa dapat magpakasaya si Sen. Panfilo Lacson sa kanyang pagbalik sa bansa, kasunod ng paborableng desisyon ng Court of Appeals (CA) kung saan naabswelto siya sa Dacer-Corbito double murder case.

Ito ang sinabi ng abogado ng pamilya Dacer na si Atty. Demetriu Custodio, na hindi pa umano tapos ang ang laban, dahil iaakyat pa nila sa Supreme Court sa susunod na linggo ang naturang usapin.

“Ang Supreme Court ang final arbiter at hindi ang Court of Appeals, kaya kami ay naniniwala pa rin na kakatigan ng Korte Suprema ang aming petisyon,” ani Custodio.

Sa naunang resolusyon ng CA, ibinasura ng appellate court ang kaso laban sa senador na nag-uugnay sa kanya sa pagdukot at pagpatay sa PR man na si Salvador “Bubby” Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito.

Nitong Sabado, pagkalipas ng mahigit isang taong pagtatago ay muling lumutang si Lacson matapos ibasura ng CA ang kaniyang kaso at warrant of arrest.

“Well wala po tayong magagawa, kasi pinayagan siya ng CA pero ang pamilya Dacer po ay magsasampa ng petisyon sa Supreme Court para kuwestyonin ang resolusyon ng CA,” ayon kay Atty. Custodio. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply