Pamilya ng Luneta hostage victims dismayado sa ‘di pagsipot ng witnesses sa HK

NAGPAHAYAG ng labis na kalungkutan ang survivors at kamag-anakan ng mga biktima sa Manila Bus Hostage, dahil sa hindi pagsipot ng Pinoy witnesses sa imbestigasyon ng Hong Kong.

Una nang hiniling nila ang pakikipag-cooperate ng witnesses sa inquest hearing ng Hong Kong.

Ayon sa kapatid ng isa sa mga biktima, ikinalulungkot nila ang hindi pagsipot ng inimbitahang witnesses mula sa panig ng Pilipinas.

Sa ngayon, sa 100 witnesses ay 30 mahigit lamang ang nagpa-unlak na labis na ikinalungkot ng panig ng mga biktima.

Matatandaang 8 Hong Kong tourists ang namatay sa trahedya sa Manila bus tragedy bunga ng pag-aamok ng dating pulis na si Senior inspector Rolando Mendoza noong August 23, nakaraang taon.

Kaugnay nito, naglunsad ng kilos-protesta ang mga miyembro ng Democratic Party sa Hong Kong laban sa gobyerno ng Pilipinas, dahil sa patuloy na pagtanggi ng Filipino authorities na magpadala ng testigo sa ginaganap na imbestigasyon kaugnay sa nangyaring Manila hostage-taking incident.

Nagtipon sa labas ng tanggapan ng Philippine Consulate ang mga miyembro ng partido, kung saan hayagang binatikos ng mga si Pangulong Benigno Aquino III.

Kabilang sa mga inihayag na slogans ng grupo ay nagbabansag sa Pangulong Aquino na umano’y “liar” habang ang iba ay sumisigaw ng “Shame on you.”

Sinabi pa ni Party Spokesman Zachary Wong, dapat umanong magpakita ng paggalang ang Aquino government sa ginagawang imbestigasyon ng Hong Kong Coroner’s Court, alang-alang sa mga namatay sa naturang trahedya.

Una rito, inihayag sa korte ni senior government chemist Bobby Cheung, na nahirapan siyang pagtugmain ang mga nakalap nitong blood samples mula sa bus na hinijack ni dating police officer Rolando Mendoza dahil ayaw umano ng Philippine goverment na makipagtulungan sa kanilang imbestigasyon. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply