Pamilya Ordinario umaasa pa rin sa milagro

BITBIT ang pag-asa at pananampalataya sa Panginoon ang tanging inaasahan ng pamilya ni Sally Ordinario-Villanueva nang magtungo sa China para masilayan sa huling sandali ang kanilang anak na nakatakdang bitayin sa Miyerkoles, Marso 30.

Umaasa ang mag-asawang Geronimo at Edith Villanueva na mapauunlakan ni Chinese President Hu Jintao ang kanilang appeal letter para sa huling pagkakataon ay mapigilan pa ang hatol na bitay sa kanilang anak.

Ang pamilya Villanueva kasama ang dalawang anak ay tumulak sa China kaninang 6:00 ng umaga sakay ng Air China flight 378 Ayon sa ulat, sakay ng Air China flight 378.

Kaninang umaga ay sinabi ni DFA Spokesperson Ed Malaya na gagawan pa rin ng paraan ng gobyerno, kahit pa nakapagdesisyon na ang Chinese government, upang mailigtas ang kababayan.

Maliban kay Sally, nakatakda ring bitayin sina Elizabeth Batain at Ramon Credo matapos mahatulan ng kasong drug trafficking sa China.

Hindi umano titigil ang gobyerno sa pakikiusap sa China para maibaba ang hatol sa tatlong OFW
Bago magtungo sa China, hiniling din ng mag-asawang Villanueva na tulungan silang manalangin baka sakaling mabago ang desisyon at mabago ang desisyon ng China court at maipataw na lamang ang habangbuhay na pagkabilanggo sa tatlong OFWs.

Una nang itinakda ng Chinese government ang pagpataw ng death penalty sa mga ito noong nakaraang February 20 at 21, subalit dahil sa apela ng Philippine government at “humanitarian visit” sa Beijing ni Vice President Jejomar Binay, naipagpaliban ito.

Kung matatandaan sinabi ng Fujian People’s Court at Guandong High People’s Court tuloy na ang pagbitay sa tatlong Pinoy convicts.

“The death penalty will be carried out on March 30 on Mr. Credo and Ms. Villanueva in Xiamen and on Ms. Batain in Shenzhen,” ayon sa kalatas ng DFA.

Sinabi ng Pangulong Aquino, tuloy pa rin ang kanilang pagsisikap hangga’t hindi pa nagaganap ang pagbitay.

Pero ayon sa Pangulo, limitado ang magagawa ng gobyerno lalo pa’t may pinagbabasehan ang naging sentensya.

Muli ding iginiit ng Pangulo na kung anuman ang kahihinatnan, dapat irespeto ang hatol ng  sang bansa sa sinumang nagkakasala sa kanilang mga batas. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply