Panalo mahalaga sa Gins, Tigers

TATANGKAIN ng Tropang Texters (2-1) na makadikit sa nangungunang Rain Or Shine (3-0) at Smart-Gilas Nationals (3-0) sa pagsabak kontra Meralco Bolts (0-3) sa 11 sa PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum (Big Dome) sa Quezon City.

Tulad ng banggaan ng Ginebra Gin Kings (1-2) at Powerade Tigers (1-3) sa main game ay mahalaga sa lahat ng 10-team ang panalo sa maikling single round robin elimination phase.

Nilupig ng Smart-Gilas Nationals ang pinalakas sa super trade na Air21 Express at ng bagong import na si Alpha Bangura na pumutok ng 27 points subalit nawalan ng saysay sa malalaking numero nina 6’10 Marcus Douthit na bumuslo ng 30 puntos at Marcus Lassiter na tinanghal na best player of the game sa kanyang 22 points, 7 assists at 6 boards.

Nilango naman ng Alaska Aces, 96-94 ang San Miguel Beermen na lumupaypay sa ikalawang talo habang umangat ang Aces sa 3-1 panalo-talong slate. Namayani sa salpukan sina import LD Williams (24), Joe Devance (22) at LA Tenorio (20) habang ang bagong import ng Beermen na si David Young ay nagpamalas ng husay sa kanyang inaugural game sa Beermen ng 35 points na sinundan ni Jay Washington ng 24. Radito Torres

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply