Pananambang sa Ilocos Norte, 4 sugatan

DALAWANG paslit at dalawa pang katao ang sugatan makaraang tambangan ang isang tricycle ng dalawang armadong kalalakihan sa Brgy. road sa Payao, Batac City, Ilocos Norte.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, sugatan sina Michael Barruga, driver ng tricycle, mga pasahero na sina Shanaia Mikaela Maceda, 9; Kenning Louise Ann Maceda, 11; at Mary rose de Jesus, tagapag-alaga ng dalawang bata.

Dalawang iba pang bata na pasahero rin ng tricycle na sina Maxene Maceda, 8, at John Paul Maceda, 2, ang masuwerteng hindi nasugatan.

Base pa sa imbestigasyon ng PNP, binabagtas ni Barruga ang naturang kalsada nang bigla silang paulanan ng bala ng dalawang armado at nakaboneteng mga salarin.

Nagtamo ng mga tama sa likod, braso at sa balakang ang mga biktima

Kasalukuyan pang inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa pananambang at kung sino ang responsable sa insidente. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply