Pangasinense namayani sa duathlon event ng Zamba Multi-Sports Fest

ZAMBALES—Pinamayanian ng tubong Pangasinan na si Javier Roveno ang over-all category ng Duathlon event na bahagi pa rin ng seven event program ng Zambales Multi-Sports Festival sa bayang ito.

Nilakbay ng 25-anyos na si Javier ang 5 kilometer trail run – 30 km bike -3km run sa oras na 1:12:47 na umikot mula sa Iba, ang kabisera ng Zambales patungong bayan ng Palauig.

Ang naturang duathlon event ay preparasyon para sa darating na Asian Junior Duathlon Championship sa Thailand sa Abril.

Sinigundahan ni Augusto Benedicto si Javier sa tiyempong 1:13:48 na inungusan lamang ng 7 segundo ang pumangatlong si Jeff Valdez.

Nanguna naman sa female division si Kim Mangrobang sa oras na 1:28:11 na sinundan naman ng pumangalawang si Miscele Gilbuena na may oras na 1:33:33 at ang pumangatlo naman ay si Rowena Valdez.

Sa age bracket na 16 to 19 years old ay nagpakitang gilas pa rin ang 19-anyos na Zambales pride triathlete na si John Chicano sa tiyempong 1:17:12 na sinundan naman ng isang kababayang Zambaleno at first timer duathlete na si Ronald Lomotos na tubong San Felipe sa oras na 1:20:11. Pumasok naman sa ikatlong puwesto si Philip Jurolan sa tiyempong 1:21:13. Radito Torres

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply