Pangatlong nuke reactor sa JP, sumabog

SUMABOG na rin kaninang alas-siyete ng umaga, Martes, Marso 15, ang nuclear reactor no. 2 ng Fukushima Dai-ichi sa Japan, ayon sa ulat ng Nippon Hōsō Kyōkai (NHK) kasunod ng matinding pinsala na dinala ng lindol at tsunami sa Japan.

Base pa sa ulat ng NHK o Japanese Broadcasting Company, pumutok ang nuclear reactor kaninang umaga.

Magugunitang sumabog din ang nuclear reactor no.3 at no.1 ng nuclear power plant sa loob ng apat na araw.

Sinasabing nangyari ang pagsabog malapit sa suppression pool, na kung saan ito ay nagsisilbing hadlang sa nuclear reactor para hindi tumagas ang mga radioactive materials.

Tumaas din ang radioactive levels ng power plant kaninang umaga, ngunit medyo bumaba na rin ito sa ngayon.

Kasalukuyang wala pang detalyeng matutukoy sa kadahilanan ng pagsabog nito, ayon kay Chief Cabinet Secretary Yukio Edano, spokesperson ng Nuclear Safety Agency.

Dagdag pa ng mga opisyal nito na ang naitalang nuclear levels ay hindi delikado sa kalusugan ng mga mamamayan ng Japan, ayon pa sa mga ulat.

Sa kabila nito, dumating na ang death toll sa 2,414 ang nakukumpirmang patay, ngunit naniniwala pa rin ang mga nagsasagawa ng search and rescue operation na aabot ang death toll na higit pa sa sampung libo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply