Panibagong state of emergency idineklara sa Japan

NAGDEKLARA ng panibagong State of Emergency ang bansang Japan matapos makitaan ng pagloloko ang limang nuclear reactors sa dalawang power plants matapos humina ang cooling system nito bunsod pa rin ng malakas na lindol na tumama sa naturang bansa.

Pagkatapos masolusyonan ang naaunang problema nito sa isang reactor sa northeastern Japan , kaagad nagpalabas ng State of Emergency, Sabado ng umaga dahil sa lubhang panganib na dulot nito.

Umiinit umano ang Unit 2 ng Fukushima Daiichi plant na nauna ng naapula ang Unit 1. Ang tatlong reactor sa Fukushima Daini plant ay bumigay na rin.

Patuloy pa ang pagtaas ng temperatura sa naturang mga reactors matapos itong i-shutdown. Kapag nagpatuloy ang palaala ng sitwasyon ay maaaring itong magkaroon ng reactor-meltdown ayon sa isang opisyal ng Japan Nuclear Safety Agency.

Tumaas na ang radiation level sa loob ng control room ng Fukushima Daiichi No. 1 reactor.

Monomonitor din nila ang radiation level sa loob ng compound na sa kasalukuyang ay umaabot na ng 8-times sa normal level.

Sa isang power plant naman sa Onahama City ay may contamination na rin sa control room nito subalit ito ay mababa pa. Pinaplano ng mga opisyal ng magpalabas ng bahagyang radioactive vapor mula sa control room para maiwasan ang meltdown.

“The amount of radioactive element in the vapor would be “very small” and would not affect the environment or human health. With evacuation in place and the ocean-bound wind, we can ensure the safety,” ayon kay Japan Chief Cabinet Secretary Yukio Edano.

Kasalukuyang ng ginagamitan ang secondary cooling system ang mga naturang planta subalit hindi ito sapat para maibalik sa dating temperatura ang naturang reactor, ayon kay Yuki Kakizaki ng Nuclear Safety Agency. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply