Panukalang ipagpaliban ang ARMM elections suportado ng local officials doon

SUPORTADO ng mga opisyal ng ARMM ang panukala ng Malakanyang na ipagpaliban ang eleksyon doon sa Agosto.

Isang manifesto ang ipinadala ng mga local government officials doon sa pangunguna ni Gov. Abdusakur M. Tan na nagpahayag ng kanilang buong suporta sa pagpapaliban ng halalan sa ARMM.

Tinukoy ng mga opisyal ng ARMM ang kahalagahan ng pakikialam ng pangulo at Central Government sabay sabing ” should not be a hold-over status of incumbent ARMM elective officials at the expiration of their present term of office.”

Sinasabing kailangan lamang na gamitin ni Pangulong Benigno Aquino, III ang kanyang kapangyarihan na magtalaga ng karapat-dapat na personalidad.

Ang nasabing manifesto ay nilagdaan ng 30 local officials kabilang ang gobernador, 18 alkalde at 11 board members.

Paulit-ulit na sinasabi ng Chief Executive na ang pagpapaliban sa halalan sa ARMM na nakatakda ngayong Agosto at ang isabay ang halalang ito sa national elections sa 2013 ay itinuturing na pangunahing pundasyon ng tinatawag na systemic reform sa Mindanao.

‘There is a distortion in the system that led itself easily to the phenomenon of command votes and the distortion of the ballot,” ang tinuran noon ni Aquino. Kris Jose

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply