Panukalang pagbuhay sa BNPP inurong muna

IDINEKLARA na ang  moratorium  sa  Mababang  Kapulungan ng Kongreso ang  panukalang  pagbuhay sa  Bataan  Nuclear  Power Plant  (BNPP)  sa  Morong, Bataan.

Ito  ang inihayag  ni  dating  5th district  Rep. Mark Cojuangco matapos  na  mapagpasyahan nila ng kanyang asawang si Rep. Kimi  na kasalukuyang  kinatawan ng  nasabing  distrito  na  kanilang iurong pansamantala  ang isinulong na panukala hinggil sa pagbuhay sa BNPP.

Sa ginanap na press conference, sinabi ni  Cojuangco na  hanggang wala pang  malinaw at  credible na  report  hinggil sa  Japan  Nuclear  Power Plant  na napuruhan  sa  pagsalanta ng  tsunami noong  Biyernes, marso 11,  ay  hindi pa ito  makapagpasya kung ito  ay kanilang i-urong  ng  tuluyan o  ipagpatuloy ang pagsusulong  ng  kanilang panukalang  pagbuhay ng  BNPP na matatagpuan sa  Morong, Bataan.

Ayon kay Cojuangco, magiging  basehan ng kanyang pagpapasya sa pagbuhay sa BNPP ang impormasyon at pag-aanalisa sa  naging  epekto ng  tsunami sa Japan Nuclear Power Plant .

Naniniwala si Cojuangco na mas  maganda at ligtas  ang  BNPP kaysa  ang  nuclear power  plant sa Japan  dahil dinesenyo ito noong late ‘70s at early 80s samantalang  sa Japan ay  late  60s at early 70s dinesenyo.

Tiniyak  din ng  dating  solon na  ang BNPP ay ligtas sa anumang  kinatatakutang  radiation leak  dahil  nasa  loob  ang  containtment  building nito .

Muling inihayag ni Cojuangco ang kahalagahan  ng  BNPP sa kabila ng pagkakaroon ng  mga  renewable  power  energy  sa bansa dahil pumapatak na P60 plus per  kilowatt hour pa rin ang   singil sa  kuryente samantalang  kung nuclear power  ang pagkukunan ng enerhiya ay  P2.50  per kilowatt hour lamang ang whole  sale  price  nito.

Hiniling  ng  mambabatas sa mga kritiko nito  na  alamin munang mabuti  at  buong katotohanan  at detalye  sa nuclear power  plant  bago  ito  husgahan. Beth Aragon

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply