Paquito Diaz pumanaw na

PUMANAW na ang beteranong aktor na si Paquito Diaz o Francisco Bustillos Diaz sa totoong buhay sa  edad 73-anyos.

Binawian ng buhay kagabi si Diaz dahil sa komplikasyon sa pneumonia. Ang  mga labi ni Diaz ay dadalhin sa kanyang bahay sa Daraga, Albay.

Ganap na alas 9:00 kagabi ng dinala sa Funeraria Nuestra Senora de Salvacion ang bangkay ng sikat na aktor.

Magugunitang dalawang beses  sumailalim si Diaz sa operasyon at dalawang buwan din itong na-comatose matapos ma-stroke  noong 2004.

Nagsimula ang karera ni Diaz sa pelikulang “Son of Fung Ku” .Sumikat si Diaz sa pagganap bilang isang kontrabida sa maraming pelikula kasama ang yumaong si Fernando Poe  Jr (FPJ).

Bago naging artista si Paquito ay isa siyang basketball player na naglalaro para sa FEU Tamaraw.

Huling pelikula ni Diaz ay ang ‘Pakners’ noong 2003 kung saan kasama niya dito sina billiard legend Efren ‘Bata’ Reyes at FPJ.

Ilan sa mga naging pelikula ni Paquito ay ang Sabayan sa laban (2002); Batang lansangan… ngayon, Mga (2002); Mahal kita, kahit sino ka pa (2001); Ang Dalubhasa (2000);  Kahit demonyo itutumba ko (2000); Isusumbong kita sa tatay ko (1999) at Magpakailan man noong 1968.

Samantala, inaasahan naman ngayon araw ang pagdating ng anak nitong si Joko Diaz.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply