Para may pang-casino: Nora Aunor baby sitter ng mga anak ng fans

LOS ANGELES, CALIFORNIA– Nakasagap kami ng mga tsika tungkol sa nag-iisang Superstar na si Nora Aunor sa isang friend naming doctor dito sa LA.

Nakatira raw sa Burbank si Ate Guy with long-time boyfriend John Rendez at medyo tumaba ito. Pero nag-improve na raw ang itsura nito dahil sa ginawang retoke sa mukha nito last year.

Ang hindi raw nagbabago ay pagkahilig pa rin ni Ate Guy sa casino. Ewan namin kung totoong nagba-baby sit daw ito sa mga anak ng loyal fans niya sa Amerika para kumita. Nandiyan din ang tsikang nagcha-charge raw siya ng $20 sa gustong magpa-picture na kasama siya. Ows?

Nagso-show pa rin daw si Ate Guy pero hanggang three songs lang daw ito. Isang malaking palaisipan kung bakit hindi natutuloy ang pagbabalik niya sa Pilipinas. Isa kami sa naniniwalang may naghihintay pa ring career sa kanya sa Pinas. Kung hindi man interesado ang GMA o ABS-CBN sa kanyang services, malamang na kukunin siya ng TV5.

Baguhin lang ang kanyang working habits and all will be well. After all, ang dami pa ring Noranians hanggang ngayon!

DENNIS TRILLO, SOBRANG SELOSO KAYA INIWAN NI JENNYLYN

Isa na kami sa nalungkot sa balitang hiwalayan blues nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo. Akala namin ay magtatagal sila dahil they seem to be a perfect couple. Pareho silang single parents kaya nagkakaintindihan sila.

But heard from the grapevine, madalas daw nag-aaway ang dalawa lately dahil lumalabas ang pagiging sobrang seloso ni Dennis. Well we still have to hear from the two themselves para malaman kung ano ang puno’t dulo ng lahat.

Sayang at magwa-one year na sana sila ngayong April. But who knows baka magkabalikan pa rin sila. Kung talagang minamahal nila ang bawat isa, they should be destined to be together.

***

Kahit dito sa LA ay patok na patok ang Bubble Gang sa GMA Pinoy TV cable. Loyal viewers of Bubble Gang is in for another treat this week. Sasakit na naman ang tiyan ng lahat sa panonood ng Rape sa Damuhan gags at Bioflu commercial spoof. Bakit Ganun? Na-Lasing Si Mister nang uminom siya ng Water Flavored na gin dahil nakita niya ang Mortal Na Kaaway na si Lolo Bouncer na nakasuot ng Magic Glasses at nag-JOGS. Ano naman ang sasabihin ng Misfortune Teller kay Cheche? Tonee Coraza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply