Parak kulong sa pagpapaputok ng baril

SWAK sa selda ng Albay Police Provincial Office ang isang pulis matapos na makipag-away at magpapautok ng kanyang baril.

Ang suspek ay kinilalang si PO3 Antonio Beltran ng Boracay PNP na nang-away ng bayaw at nag-iskandalo dahil sa selos at galit sa kasamahang pulis na umano ay kabit ng kanyang asawa.

Sa nasabing insidente nagpaputok ng baril ang suspek dahilan para kasuhan ito.

Ayon kay Albay PPOp director S/Supt. William Macavinta, nahaharap si Beltran sa kasong illegal discharge of firearm.

Binastos din umano ni Beltran ang kanyang nakatataas na opisyal kaya maaari pang madagdagan ang kasong kinahaharap nito. Remate Online

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply