Parehong ‘di kinagat ng masa ang huling proyekto: Sarah, Gerald nag-aamoy flop

MARAMI talaga ang nag-aabang ng pelikulang  pinagbibidahan nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson.  Ipinagdarasal ng mga nagmamahal sa kanilang dalawa, na sana’y maging blockbuster sa takilya ang kanilang movie, para mabasag ang “jinx” na kanilang pinagdaanan. Hindi pumatok sa
takilya ang huling project na pinagtambalan nina Gerald at Kim Chiu dahil na rin sa kanilang mga tampuhan habang ginagawa ang nasabing pelikula.  Ang resulta ay hindi nila nakiliti ang masa.

Si Sarah naman ay kailangang mabura ang hindi magandang tsika, na kung talagang totoo na marami siyang tagahanga na sumusuporta sa kanyang kasikatan bilang singer, dapat ay pumatok sa telebisyon at hindi agad sinibak sa ere ang kanyang teleseryeng “Idol” ng Dos.

Bagay si Sarah sa love story na pelikula.  Kaya marami ang nag-aabang kung bagay din bang magsama sina Sarah at Gerald, katulad ng pakikipagtambal noon ng pop princes kay John Lloyd Cruz?

Maganda raw ng kuwento ng pelikulang pagsasamahan nila kaya inaasahang papatok talaga ito sa takilya.  Kapag sinuwerte ang pagsasama nina Sarah at Gerald, ay baka masundan pa ang kanilang
pagtatambal katulad ng suwerteng nangyari sa tambalang Sarah-Lloydie.

*****

Positibong ugali ni Coco Martin ‘yung kanyang kasimplehan, na hanggang ngayon, kahit sikat na sikat na siya ay parang hindi iyon pumapasok sa kanyang ulo para ipagyabang.  Hindi pa kasi talaga showbiz na showbiz ang kanyang ugali.  Hanggang ngayon, kahit nabibigyan na siya ng marami at magagandang pagkakataon sa showbiz, katulad ng makapagbida, ay sobra pa rin siyang mahiyain sa pagdadala ng kanyang personality.

Katulad na lamang ngayon na pinagbibidahan niya ang ipinagmamalaking teleserye  na tinatampukan ng napakaraming malalaking artista na akala mo’y isang napakalaking pelikula, ay napapailing nalang at parang nalulula si Coco sa sobrang tuwa, na nabigyan siya ng ganito katinding proyekto.  Hindi nawawala ang kanyang pagrespeto at paghanga sa mga beteranong artista na lagi niyang nakakasama sa  trabaho.  Propesyunalismo at tapat na pakikisama ang itinatapat niya kapag naihehelera siya sa mga respetadong artista.

Good karma naman talaga ang nangyayari sa movie career ni Coco, dahil magmula nang mapansin siya sa telebisyon, ay dire-diretso na ang pag-usad ng kanyang pagka-aktor.  Hindi nga siya
makapaniwala, na maraming artista sa showbiz na gusto siyang makatrabaho, dahil ang unang papuri sa kanya ay ang kahusayan niyang umarte. Melchor M. Bautista

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply