Pari kulong sa kasong Pedophilia

MAKUKULONG ang isang dating Romanong Pari ng 15 taon matapos mahatulan ng korte
sa Roma sa salang pedophilia.

Si Rugger Conti, dating pari ng Selva Candida sa Italy, ay napatunayang nangmolestiya ng pitong bata noong 1998 hanggang 2008.
Hindi naman inamin ng pari ang akusasyon kung saan hanggang sa huli’y todo tanggi ito sa bintang sa kanya.

Ayon kay Fabrizio Gallo, abogado ng mga biktima, maghihingi din siya ng danyos sa Vatican sa halagang $279,000 dolyar.

“This trial showed that the accusations were true and that the lives of many people have been destroyed forever. I hope the Church will find a solution and compensate victims who have been abandoned.”, payahag pa ni Gallo.

Nakatakdang iapela ni Conti ang naturang desisyon , ayon naman kay Patrizio Spinelli, abogado ng pari. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply