Partylist group pabor na makapag-trabaho sa graveyard shift ang kababaihan

PINABORAN ng isang Partylist group ang pahayag ni Pangulong Benigno Aquino, III na maaari na muling magtrabaho sa gabi o graveyard shift ang mga kababaihan.

Ayon kay Rep. Arnel Ty ng LPG Marketers’ Association LPGMA Partylist na panahon na upang ibasura ang aniya’y makalumang probisyon sa Labor Code na nagbabawal sa mga kababaihan na mailagay o magtrabaho sa “graveyard shift.”

“The absolute legal prohibition against women in night work has become totally obsolete, irrelevant and inapplicable. It has been rendered outmoded by the modern times,” giit pa ni Ty.

Subalit nilinaw ng mambabatas na hindi naman niya kinukumbinsi ang mga kababaihan na magtabaho sa gabi lalo na aniya sa mga uri ng trabaho gaya ng pagmimina at quarrying, konstruksyon, iron and steel manufacturing, pagto-troso, at pangingisda.

Isinama ng Malakanyang ang pagsusulong na maibasura ang Article 130 ng Labor Code sa listahan ng may 23 pangunahing prayoridad na isinumite sa Legislative-Executive Development Advisory Council nitong nagdaang linggo lamang.

Nakapaloob sa Article 130 na “no woman, regardless of age, shall be employed or permitted to work with or without compensation in any industrial undertaking between 10p.m. and 6a.m. the following day, or in any commercial or non-industrial undertaking, other than agricultural, between midnight and 6a.m. the following day.”

Binibigyang exemption lamang sa pagbabawal kapag may emergency gaya ng kalamidad o panganib sa publiko, serbisyong pangkalusugan at pangmadaliang trabaho gaya ng pag-o-operate sa makina na ikalulugi ng isang kompanya.

Inihalimbawa ni Ty na matagal ng may mga kababaihan ang nasa graveyard shift gaya ng mga call centers at business processing outsourcing (BPO) providers na karaniwang nag-eempleyo ng mga college-educated women.

“Women account for up to 70 percent of the staff of these firms, who have to cope with the night work prohibition through the tedious process of seeking an exemption from the Secretary of Labor,” sinabi pa ni Ty.

Aniya ang industriya ng BPO na patuloy na lumalago sa Pilipinas na nagbibigay ng 24 na oras na information technology-enabled services ang nagsusulong din na tuluyan ng amyendahan ang nasabing probisyon. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply