Parusa sa lasenggong drayber OK sa House

APRUBADO na sa House of Representatives sa ikatlong pagbasa ng  panukalang  parusahan ang mga  motorista na lasing na nagmamaneho.

Ayon kay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, napag-iiwanan na ang  bansang  Pilipinas sa pagpapatupad ng kaparusahan sa mga nagmamanehong  lasing kaya dapat lamang bigyan ito ng atensyon.

“While other countries have institutionalized their policy regarding driving under the influence of alcohol (DUIA), the Philippines has seemingly remained reserved and lenient in punishing drunk drivers,” ayon sa  dating  Pangulo.

Sinabi ni Arroyo na maraming beses nang nagiging dahilan ng mga aksidente sa lansangan ang pagmamaneho ng lasing ng mga driver na karaniwang nagreresulta sa pagkasawi o matinding pagkasugat ng mga nasasangkot dito.

Kikilalanin  ang  maging  batas  na ito bilang  “Driving under the Influence of Alcohol, Dangerous Drugs and Similar Substances Act of 2011,” na may nakapaloob na  kaparusahang  administrative sanctions at multa sa  mga  lumabag nito.

Pamumultahin ng higit sa P20,000 at isang buwang suspensyon ng driver’s license  o pagbawi dito.

Ayon kay Rep. Emmeline Aglipay (Party-list, DIWA), isa sa mga may-akda ng panukala, dapat bigyan ng instruksyon ang mga law enforcer upang maimplementa ng maayos sakaling magiging batas ang panukala.

Ayon  naman kay Rep. Romeo Acop (2nd District, Antipolo City), isa pang co-author, ang batas  laban  sa mga nagmamanehong lasing ay makababawas ng malaki sa mga aksidente.

“Each driver must realize that he has full personal and social responsibility in the event he drives under the influence of alcohol.” Beth Aragon

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply