PASA chief walang delicadeza, kapit-tuko sa pwesto!

PINARATANGAN ng mga kritiko si Philippine Aquatics Swimming Association (PASA) Mark Joseph na walang ‘delicadeza’ dahil sa patuloy na pananatili sa puwesto kahit na tadtad ng anomalya ang asosasyong hawak nito.

Nabatid na noon pang panahon ni dating Philippine Sports Commission (PSC) chairman Harry Angping natuklasan ang pagkakawaldas ng mahigit P29 million na financial assistance na nakuha ng PASA mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).

“Kahit na isinusuka na siya ng karamihan sa mga swimmers, nandiyan pa rin siya. Kasi alam niyang ipagtatanggol siya ng isang mataas na opisyal,” wika ng isang kritiko. “Habang nakaupo siya, lalong nalalagay sa panganib ang pondo ng grupo.”

Ang pondo na iyon, ayon sa mga sources, ay para sana sa Filipino-American swimmers na kumatawan sa bansa sa ginanap na 2008 Beijing Olympics.

Subalit nang maikasa ang imbestigasyon sa pangunguna ni Angping, ayon sa mga sources, ay pumasok agad ang ‘damage control’ na taktika ni Jose “Peping” Cojuangco Jr., kasalukuyang chairman naman ng Philippine Olympic Committee (POC).

Noon ay binanggit ni Cojuangco na labag sa itinatakda ng Republic Act 6847 ang pangingialam ng dating PSC chairman sa pagpapatupad ng national sports program na dito’y dapat umanong makipag-ugnayan ito sa POC at NSAs.

“Nang matuklasan ni Angping ang anomalya, agad niyang sinabihan ang Pagcor na itigil na ang pagbibigay ng direct assistance sa NSAs dahil kailangang malaman kung saan napupunta ang pondo nila,” paliwanag ng isang source. “Pero tumutol si Cojuangco, at katunayan ay siya pa ang tumayong tagapagtanggol ni Joseph sa Kongreso.”

Ayon sa mga sources, dapat umano ay dumaan muna ang pondo sa PSC bago ito napunta sa PASA.

Kaya naman, nang masilip noon ang anomalya ay nagpasa agad ng resolusyon ang grupo ni Angping para matigil na ang ganoong iregularidad.

Samantala, naniniwala ang mga kritiko na hangga’t nakaupo si Josep sa PASA ay hindi maaalis ang pagdududa ng mga atleta sa kanyang liderato. Gilbert Perdez

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply