PASA head pinakakasuhan

HINILING ng mga concerned athletes sa bansa kay Philippine Olympic Committee (POC) chairman Jose “Peping” Cojuangco Jr.  na agad kasuhan si Philippine Aquatics Sports Association (PASA) president Mark Joseph.

Ito ay kaugnay pa rin ng hindi maipaliwanag na pagkakawaldas ng P30 milyong pondo ng PASA na laan para sa mga national swimmers na ipinagkaloob ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) noong 2008.

“Dapat sibakin at kasuhan na siya (Joseph) ni Cojuangco at ng Philippine Sports Commission (PSC),” wika ng isang source. “Matunog kasi na malakas sa kanya si Joseph kaya nananatili itong matibay at kumakapit sa PASA.”

Ayon sa mga sources, si Cojuangco ang isa sa mga matitibay na sinasandalan ni Joseph sa POC at katunayan ay ito pa umano ang nagtatanggol sa nasabing opisyal sa tuwing may ikinakasang imbestigasyon hinggil sa alegasyon laban dito.

Si Joseph na isa ring opisyal ng Southeast Asian Swimming Federation (SEASF) ay patuloy na gumaganap  sa kanyang tungkulin kahit na wala nang tiwala sa kanya ang maraming atleta.

Binanggit din ng ilang sources na maliban sa pagkawala ng pondo, sabit din umano si Joseph sa iba’t ibang demolition jobs upang masipa ang mga opisyal na hindi niya kadikit.

“Malakas siya sa taas kaya nagagawa niyang gumawa ng iba’t ibang senaryo para sa pansarili niyang interes,” banggit ng isang source.

“Konti na lang ay bubulalas na ang galit ng ibang atleta. Naghihintay lang sila ng tamang pagkakataon at ibubunyag nila ang iba pang baho ni Joseph.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply