Pasahe sa MRT at LRT tataas pa

IMBES na mapababa ang pasahe sa MRT at LRT, possible pang tumaas ito kapag isinapribado ito ng gobyerno.

Ito ang pangamba ni Senador Manny Villar sa plano ng Department of Transportation and Communication na isapribado ang operasyon at maintenance ng MRT-3.

Ani Villar, sinumang bibili sa MRT-3, siguradong magpapatupad ito ng panibagong dagdag sa pasahe upang mabawi ang kanilang ibinuhos na kapital sa tren.

“The inevitable result of this will be a significant higher fares that is why we should be more careful in doing these,” babala ng senador.

Ito ang nabatid sa isinagawang pagdinig ng Senate committee on economic affairs na pinamumunuan ni Villar sa layuning alamin ang ‘economic implications’ ng pagtaas ng pasahe sa MRT, LRT at toll rates sa mga motorista, kompanya ng bus, estudyante at mga mananakay nito.

Gayundin, nagbigay ng suhestiyon si Villar kay DOTC Undersecretary Ruben Reinoso na kaysa isapribado, ibigay na lamang sa Light Rail Transit Authority ang operasyon ng MRT-3.

Ayon kay Villlar, nagagawa ng LRTA na kumita sa kanilang operasyon samantalang ang DOTC ay lugi sa pagpapatakbo ng MRT kahit na mahigit kumulang sa 500,000 ang pasahero kada araw.

“Kayo ang inefficient DOTC!,” patutsada ng senador.

Sinuportahan din ni Senador Juan Miguel Zubiri ang posisyon ni Villar kontra sa privatization ng MRT-3 sa katwiran na halos lahat ng bansa ay hindi ipinapaubaya sa pribadong korporasyon ang transportation tulad ng train system upang maprotektahan ang kanilang mamamayan.

Noong Enero ay inaprubahan ng DOTC ang P15 hanggang P25 na pasahe sa MRT-3 pero binitin naman ang implementasyon nito upang isagawa ang konsultasyon sa mga apektadong sektor.  Vicky Cervales

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply