Pasahero ng LRT nag-panic sa usok

DALAWANG katao ang nasugatan matapos mataranta nang biglang umusok ang burnt disc pad ng LRT Line 1 South-bound sa United Nation station Lunes ng umaga, Marso 28.

Ayon kay LRT public relation officer Lyn Paragas, isa sa mga tren ang nakaranas ng technical failure habang tinatahak ang UN Station patungong Baclaran na naging dahilan upang lumabas ang makapal
na usok at nagresulta sa pagpa-panic ang mga commuters.

Habang nagkakagulo, binasag ng mga nagpa-panic na pasahero ang salamin upang makalabas. Naganap ang insidente dakong 8:35 ng umaga.

Ayon pa kay Paragas dalawang commuters ang bahagayang nasugatan ng tamaan ng bubog mula sa basag na salamin. Dinala ang mga ito sa LRTA clinic sa Central Station para malapatan lunas.

Naibalik sa normal ang operasyon ng LRT  bago mag-alas 9:00 ng umaga. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply