Pasay lotteng at bold show

NABANGGIT natin nitong nakaraang mga araw ang pa-lotteng ng isang Carlo.

Patuloy ang operasyon nito sa kabila ng mga aksyon laban dito nina Pasay Mayor Tony Calixto at COP Senior Supt. Napoleon Cuaton.

Kumikita si Carlo ng nasa P200,000 kada araw dahil kakambal ng lotteng nito ang Easy 2 at Swertres.

*****

ISA pa sa mga pasaway sa Pasay City ay itong Intsik na may-ari ng Vocano KTV Club na matatagpuan sa Taft Avenue malapit sa Libertad St. at ang Wild River sa EDSA, Pasay Rotonda.

Sutil din daw ang mga GM at may-ari ng mga club na ito dahil tuloy pa rin ang pa-bold show nila sa kabila ng mahigpit na pagbabawal ni Mayor Calixto hinggil dito.

Kamakailan lang ay pinulong nina Col. Cuaton at Boyet del Rosario, ang chief ng Business Permit and License Office (BPLO) ng Pasay City Hall, ang lahat ng bar/club owners-operators sa buong Pasay upang muling ipaalala sa kanila ang mahigpit na tagubilin ni Mayor Calixto pagdating sa isyu ng bold show.

Dagliang sumunod naman ang mga bar/club owners at operators kagaya ng Miss Universal, East Asia at iba pa. Pero ang Vocano KTV Club at Wildriver, hindi.

Sa pagkakaalam ko ay  may closure order na itong Vocano KTV Club na matagal nang pinirmahan ni Mayor Calixto dahil paulit-ulit nga ang nasabing establisimyento sa pagiging pasaway sa Pasay!

Ang Wildriver naman ay patuloy na minamanmanan dahil kandidato na rin ito na masara. May nakuha raw na padrino sa Pasay City Hall ang may-ari ng Vocano KTV Club kung kaya’t hindi pa ito napasasara hanggang ngayon!

Puwede ba ’yon? Na pati utos ng Hari ay harapang binabali? Sino kaya ang padrino ng Vocano KTV Club?
Alam kaya ni  Mr. Boyet del Rosario kung sino ang animal na ito?

*****
Anomang reklamo, komento o suhestiyon, text o tawag lang sa 0999-4333437 o kaya’y e-mail lang sa boyetmunar@yahoo.com at malugod ko kayong paglilingkuran! Boyet Munar

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply