Passport ni Hubert Webb sinusuri ng DOJ

ISINASAILALIM na sa pagsusuri ng Inter-Agency Task Force ng Department of Justice (DOJ) ang orihinal na pasaporte ni Hubert Webb kaugnay sa isinasagawang re–investigation ng Vizconde massacre.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, napakahalaga na matukoy ang veracity ng alibi ng depensa ni Webb sa mababang korte noong dinidinig pa ang kaso.

Sa depensa ni Hubert sa korte, kanyang sinabing nasa Estados Unidos siya nang mangyari ang pagpatay sa mag-iinang Estrelita Vizconde kontra sa salaysay ng testigong si Jessica Alfaro.

Kabilang ang pasaporte ni Webb sa ebidensyang iprinisinta noon sa korte ng mga abogado nito sa kasagsagan ng pagdinig sa kaso, dahilan upang iberipika ang veracity ng naturang dokumento.

Nagpapasalamat naman ang task force sa kooperasyon ng kampo ni Webb dahil sa pagpayag nitong ipasuri ang orihinal na passport.

Dala ng mga eksperto mula sa questioned Division ng National Bureau of Investigation (NBI) ang equipment na ginamit sa pagusuri, kasama si Atty. Romy Asis,  miyembro ng task force at chief Death Investigation Division ng NBI at ang dalawang abogado ni Hubert.

Ang pagsusuri ay isinagawa mismo sa DOJ.

Ayon kay De Lima, layon ng pagberipika sa original passport ni Webb na malaman kung si Webb ay nasa bansa o nasa Estados Unidos nang maganap ang karumal-dumal na masaker. Teresa Tavares

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply