Passport processing matatagalan dahil sa problemang teknikal

INANUNSYO ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga manlalakbay na maaantala ang pagre-release ng mga pasaporte bunga ng problemang teknikal dahil sa sobrang dami ng nangangailangan ng e-passport

Sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Jaime Victor Ledda ng Office of Consular Affairs na ginagawa na nila ang lahat ng kanilang makakaya upang masolusyunan ang naturang problema.

Hinihingi nila ang pang-unawa lalo na ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at mga urgent ang pangangailangan na umalis ng bansa.

Pinayuhan nila ang mga hindi naman nagmamadali na ipagpaliban muna ang kanilang passport application hanggang sa maging normal na ang sitwasyon.

Para naman sa mga mag-eexpire na ang passport, ang kailangan lamang nila ay mag apply para sa extension sa halip na mag- apply para sa renewal.

Idinagdag pa ni Ledda na ang delay sa passport releases ay resulta ng maintenance work at upgrades sa equipment sa ePassport Personalization Center ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) facility sa Quezon City na sumabay naman sa seasonal increase sa passport applications ng mga Filipino na nagnanais maglakbay sa ibang bansa ngayong summer.

Sinabi pa ni Ledda na nakikipag-ugnayan ang DFA sa BSP upang maresolba ang isyu at naniniwalang magagawan nila ng paraan na mabawasan ang waiting period sa mga susunod na linggo.

Sa kasalukuyan, ang mga aplikante ay dapat maghintay ng 10 working days bago ma release ang kanilang pasaporte.

Ang pagkabalam sa release ng passport ay naka-apekto sa 10 regional consular offices sa buong bansa at konsulada sa ibang bansa. Amor Virata

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply