Pastor tinadtad ng saksak ng kapitbahay, tepok

PATAY ang isang pastor makaraang saksakin ng 14 na beses ng kanyang kapit-bahay habang nasawi rin ang kanyang may-bahay sa Brgy. 32 sa Cagayan de Oro City, madaling-araw ng Martes, Marso 22.

Kinilala ni PO3 Jojo Lim, imbestigador ng kaso, ang biktimang sina Teodoro Badilla, 62, pastor ng Born Again Church at may-bahay nitong si Rebecca Chan-Badilla.

Nakilala ang suspek na si Jayjay Topia, 22, kapitbahay ng mga biktima.

Pinasok umano ng suspek ang bahay nila Badilla kaninang madaling araw at pinagsasaksak nito hanggang mapatay. Natagpuang naliligo sa sariling dugo ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay.

Ayon pa sa inisyal na imbestigasyon, matinding galit ang nagbunsod sa suspek na patayin ang mga biktima dahil sa patuloy nitong paninira sa relihiyong katoliko.

Dahil dito, Isinantabi na ng kapulisan ang anggulong pagnanakaw dahil wala namang nawawalang gamit ang mga biktima.

Iginiit ng suspek na wala siyang sayad at hindi siya gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply