Patakaran sa pagsuspinde ng klase rerebisahin ng DepEd

REREBISAHIN ng Department of Education (DepEd) ang kasalukuyang patakaran sa pagsususpinde ng klase sa panahon ng bagyo at iba pang uwi ng kalamidad, kasama ang malakas na pag-ulan at pagbaha.

Ito ang inihayag ni Education Secretary Armin Luistro bunsod ng panawagan na lawakan ang sakop ng suspensyon ng mga klase at maiwasan ang kalituhan.

Ani Luistro, pinag-aaralan na nilang isama sa guidelines ng suspensyon ng klase ang masamang lagay ng panahon kahit walang bagyo.

Sinabi nito na sa nakalipas na mga taon ay naging sanhi ng kalituhan ng mga magulang at mag-aaral ang ‘di malinaw na patakaran sa Metro Manila at ilang probinsya.

“We are planning to revise more because of rains. Our current protocol in canceling classes is really more about typhoons,” pahayag ni Luistro sa mamamahayag.

Noong nakaraang taon ay kinansela ng DepEd ang mga klase sa ilang probinsya sa Mindanao at Bikol bunsod ng malawakan at malakas na pag-ulan na lumikha ng pagbaha.

Batay sa kasalukuyang sistema ng DepEd, awtomatikong suspendido ang mga klase sa pribado at pampublikong pre-school o kindergarten sa mga lugar na sakop ng Typhoon Signal No. 1

Kanselado naman ang mga klase sa lahat ng antas, kabilang ang pre-school hanggang high school, sa mga lugar na may Typhoon Signal No. 2 o higit pa. Jun Ferrer

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply