Patakaran sa prangkisa ng bus pinabubusisi

KINALAMPAG ng commuters group ang tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na muling busisiin ang kanilang mga patakaran sa prangkisa ng mga pampasaherong  bus.

Ginawa ni Ysabel Nabong, spokesperson ng Public Commuters and Private Motorists Alliance, ang panawagan matapos ang panibagong sunod-sunod na madugong aksidente sa mga bus.

Tinukoy ni Nabong ang panibagong aksidente sa bus na ikinamatay ng may apat na inosenteng pasahero at ikinasugat ng 27 iba pa kahapon ng madaling araw sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Matnog, Sorsogon.

Ayon kay Nabong dapat na mapigil agad ng liderato ng LTFRB ang mga ganitong bloody accident na ikinasasawi ng mga inosenteng pasahero.

“Ang nangyayari reactionary lang tayo, kapag hindi na nasubaybayan ng media limot na hanggang sa maulit at huwag na huwag nating ikatwiran na insured naman ang mga ito,” saad ni Nabong.

Sa report ng Highway Patrol Group, binabaybay ng Eagle Star Bus ang highway patungo ng Silao, Leyte nang mag-overtake at mabangga ang kasalubong na PP Bus.

Nawalan umano ng kontrol ang driver ng Eagle Star na si Rodeto On at inararo pa ang nakaparadang Philtranco Bus na nagbababa naman ng mga pasahero.

Kinilala ang ilan sa mga sugatan na sina Nelia Uso, 19; Nolasco Basubas, 62, ng Isabela; Mae Ann Dalida, 5, at Angie Dalida, 40, ng Bucaue, Bulacan; Lega De Lima 16; Ricky Boy De Lima, 19; Rosario De Lima, ng St. Bernard Leyte; at Reynante Tarabago, 43, na taga Roxas, Southern Leyte kung saan  may 19 na iba pang pasahero ang nasa sa iba pang pagamutan sa lugar. Alex Ching

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply