Patay sa Myanmar quake tumaas sa 76

UMABOT na sa 76 ang namamatay sa magnitude 6.8 na lindol sa Myanmar na tumama malapit sa border ng Laos at Thailand Huwebes ng gabi, Marso 24.

Ayon sa awtoridad doon, posibleng tumaas pa ang naturang bilang ng mga nasawi sapagkat may mga lugar pa sa Myanmar at Thailand na hindi pa napupuntahan ng mga rescuer dahil sa mga nasirang kalsada.

Ayon sa isang opisyal ng Myanmar na di nagpakilala, marami pang kalsada ang sarado. Ayon sa mga nakalap na impormasyon, may 130 gusali sa bansa ang bumagsak.

“Roads are also closed. According to the information that we have, more than 130 buildings collapsed because of the quake. There might be more casualties and damage,” ayon sa nasabing opisyal.

Sa bayan ng Tarlay sa Myanmar, 25 na ang patay kung saan gumuho ang limang monastery at 35 gusali.

Naramdaman din ang naturang lindol sa Bangkok, Thailand at Hanoi, Vietnam.

Naitala rin ang anim na aftershocks hanggang Biyernes ng umaga.

Samantala, hindi nawalan ng kuryente at tubig sa Tachileik at Kengtung at normal naman ang pamumuhay sa kabila ng mga pinsala na dulot ng lindol.

Nagsimula na ring magsagawa ng relief operation ang lokal na Red Cross ngayong umaga. Remate Online

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply