Patay sa NZ earthquake, 161 na

UMAKYAT na sa 161 ang nasasawi habang patuloy pa ring missing ang 11 na Pinoy sa naganap na malakas na lindol sa Christchurch, New Zealand, kinumpirma ng awtoridad.

Pawang mga Israeli national na sina Ofer Levy, 22 at Gabi Moshe Ingel, 23 ang nadagdag sa sa listahan ng mga nasawi sa naturang paglindol.

Kinumpirma ni acting District Commander Sam Hoyle na natagpuan ang bangkay ng mga biktima sa iba’t ibang bahagi ng CTV at PGC building.

“We fully understand the necessity of providing families with information and explaining why we have to be sure we have the correct identities of those who have died,” pagkumpirma ni Hoyle.

Nabatid na 200 pa ang nawawala kabilang na rito ang 11 Pinoy. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply