Patrombon handa na sa laban

NAGPAHIWATIG si Filipino netter Jeson Patrombon na magaling na ang kanyang kulugo na kamakailan lamang ay inoperahan matapos mag-anunsiyo na itataya niya ang kanyang world No. 10 junior ranking.

Ito ay matapos mabatid na sasalang siya sa Chang LTAT-International Tennis Federation (ITF) Junior Championship mula March 7 hanggang 12 sa Nonthaburi, Thailand.

Sa ITF Grade I event na gaganapin sa hard court surface ay sasabak ang 17-anyos na si Patrombon sa boys’ singles na katatampukan ng 48 sa top junior players sa buong mundo.

Ito ang unang tournament makaraan ang quarterfinal finish niya sa 2011 Australian Open Juniors Championships kung saan giniba siya ni Great Britain’s George Morgoan sa tatlong sets. Gilbert Perdes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply