Patung-patong na kaso isinampa sa 5 pulis-Maynila

PATUNG-PATONG na kaso ang inihain sa piskalya laban sa limang tauhan ng Manila Police District (MPD) kaugnay sa nawawalang malaking bahagi ng P16.5 milyon ransom money na nabawi mula sa mga kidnapper ng isang Malaysian national na si Eric Sim Chin Tong.

Isasailalim ngayong  Miyerkules ng hapon, Marso 16 sa inquest proceedings sa Manila Prosecutor’s Office ang mga pulis na sina Sr. Insp. Peter Nerviza, hepe ng MPD-station 5 Anti- Crime  Unit;  SPO3 Ernesto Peralta; PO3 Jefferson Britanico, PO3 Mike Ongpauco at PO1 Rommel Ocampo.

Nahaharap sa mga kasong qualified theft, estafa at obstruction of justice ang mga pulis na kasalukuyang nakapiit na sa MPD-Integrity jail matapos sumuko kamakalawa kay Manila Mayor Alfredo S. Lim, kasunod ng shoot -to-kill order ng alkalde nang sila ay biglang maglaho habang iniimbestigahan.

Ayon kay MPD-General Assignment Section at concurrent City Hall Police Assistance (CHAPA) chief, C/Insp. Marcelo Reyes, bukod sa mga kasong kriminal, nahaharap din sila sa kasong administratibo.

Sa pagsuko ng 5 pulis nitong Martes ay nanindigan ang mga suspek na wala silang kinuhang pera at iginiit na hindi sila nagtatago kundi nagsagawa lamang ng follow-up operation laban sa dalawa pang suspek na nakatakas bukod sa walong unang naaresto. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply