Pautang sa mahihirap na estudyante ikinasa

INIHAIN ni Zambales Rep. Milagros “Mitos” Magsaysay ang isang panukala na bubuo ng isang loan board na magpapatupad ng programang pautang para sa mahihirap na istudyante sa kolehiyo sa bansa.

Sinabi ni Magsaysay, sa ilalim ng House Bill (HB) 1610 ang “cross-subsidy program” ng University of the Philippines (UP) ay gagayahin at ipatutupad sa buong bansa.

Dagdag pa nito na may isang buwanang mandatory contribution ang ibibigay ng mga indibiduwal base sa income bracket nito na mapupunta sa national student loan fund.

Ang kontribusyon ay matatapos depende din sa income bracket.

“The importance of providing access to higher education for the poor cannot be overemphasized. In the Philippines, only a little over 11 percent of our workforce has a college education. Of the college age population, less than 50 percent are enrolled in tertiary educational institutions and about 70 percent are living below the poverty line,” ani Magsaysay.

(“Ang kahalagahan ng pagbibigay ng pagkakataon sa mga mahihirap na makinabang sa mas mataas na antas ng edukasyon ay hindi dapat balewalain.
Sa Pilipinas, humigit kumulang 11 porsyento lamang ng mga manggagawa ang tumuntong sa kolehiyo. Sa college age population, kulang sa kalahating porsyento ang naka-enroll sa tertiary educational institutions at may 70 porsyento dito ay nasa ilalim pa ng poverty line.”)

Ayon pa sa kanya, humigit kumulang sa anim na bilyong piso ang nakatakdang makolekta sa ilalim ng panukala base sa 1995 National Statistics Yearbook at sa itatakdang kontribusyon.

“Indeed, we will only be able to attain our vision of becoming the next economic tiger of Asia by educating the less fortunate of our Filipino people,” ayon kay Rep. Magsaysay.

(“Makakamit lamang natin ang pangarap na maging susunod na economic tiger ng Asya sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na edukasyon para sa mga mahihirap na Filipino.”)

Ang HB 1610 ay kasalukuyang nakasalang sa deliberasyon. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply