Payo ng CBCP kay Merci: Magbitiw bago masipa

MAS mainam para kay Ombudsman Merceditas Gutierrez na magbitiw sa tungkulin kaysa hintayin pa niyang mapatalsik siya sa puwesto.

Ito ang payo ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), kasunod ng pag-usad ng dalawang impeachment cases ni Gutierrez sa Kongreso.

Ayon kay Pabillo, mas makabubuti para sa bansa kung babakantehin na ni Gutierrez ang kanyang puwesto.

Paliwanag ng Obispo, wala nang dahilan para manatili sa puwesto ang Ombudsman dahil, base sa performance nito, mistula na itong “hadlang” sa laban ng pamahalaan kontra sa korapsyon.

“She should step down… there’s no point of staying. She is already a hindrance to the government’s fight against corruption because of her performance,” ani Pabillo.

Gayunman, aniya, na kay Gutierrez pa rin ang desisyon kung magre-resign ito o haharapin ang impeachment complaints laban sa kanya sa Kongreso.

Sakali naman aniyang tuluyan ngang ma-impeach si Gutierrez, ang dapat italaga ng pamahalaan ay isang tao na “credible” sa paglaban sa korapsiyon.

Dapat din aniyang ang italaga sa naturang pwesto ay hindi isang tao na basta pinagkakatiwalaan lamang ng administrasyon, kundi pati ng mga mamamayan. Kyle Gatus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply