PBA D-League may 13 teams na

LUMAMPAS sa inaasahang 12 teams ang mga koponang lalahok sa PBA Developmental League kaya kinakailangang magsagawa ng pagbabago sa iskedyul ng mga laro sa ligang makikilala bilang PBA D-League Foundation Cup.

Ang unang inaasahang 12 teams ay umabot na ng 13 kung kaya ang dalawang grupo na may anim na teams ay hahatiin sa dalawa na maglalaro sa maiksing single-round robin na aarangkada sa FilOil Flying V-Arena sa Marso 12.

Kabilang sa Group A ang Freego Jeans, Pharex Nakroxen Sodium, Metro Pacific Tollways Corporation, Black Water Elite, RnW Pacific Pipes at PC Gilmore samantalang ang Maynilad Water, Junior Powerade Tigers, MaxBond SuperGlue Sumos, Cobra Energy Drink Ironman, Café France at Ani-FCA ang magbabakbakan sa Group B. RT

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply