PBA D-League raratsada na bukas

RARATSADA na ang magarbo at makulay na opening ng PBA Developmental League sa PhilOil Flying V Arena bukas ng umaga, na lalong pasisiglahin ng hindi bababa sa aniim na players mula sa ASEAN Basketball League (ABL).

Dalawang batikang players mula sa ABL Season 2, na sina Benedict Fernandez at Junjun Cabatu ng Philippine Patriots, ang sasalang sa magkaibang team sa tinaguriang D-League Foundation Cup.

Maglalaro si Cabatu sa Max Bond Super Glue Sumos na makakasama si Rudy Lingganay na sumabak sa ABL sa Kuala Lumpur Dragons.

Magbabalik sa tropa nina Pari Llagas, Kelvin Gregorio at Allen Maliksi si Fernandez sa Cebuana Lhuillier Gems, kug saan suportado ang team ng collegiate ball players na sina Hyram Bagatsing, Marvin Hayes at James Cena.

Nagpahayag ng kasiyahan si Coach Luigi Trillo sa team sa bentahan na pamilyar sa isa’t isa ang mga bumubuo sa Gems dahil karamihan sa kanila ay nakapaglaro sa NCAA.

Sina Cabatu at Lingganay ay tampok na manlalaro sa Max Bond kasama ang pinakabuod ng UST Growling Tigers na gagabayan ni Head Coach Pido Jarencio.

Ang mga team na kabibilangan ng mga manlalaro ng varsity teams ay ang Blackwater Elite na lalahukan ng Arellano Chiefs, Maynilad ng San Beda Red Lions, Freego Jeans na bubuuin ng Adamson Falcons, Junior Poweraid na babalikatin ng UP Maroons at Cafe France na dadalhin ng Centro Escolar Cagers.

Ang bubuo sa 13-team composition ng tournament ay ang pre-season favorites na NLEX Road Warriors, Pharex, Cobra Energy Drink, Ani FCA at RnW Pacific Pipes. Radito Torres

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply