PC Gilmore at Max! Bond nanalo rin

MAGHAHARAP bukas, Huwebes, sa San Juan Gym dakong alas-dos ng hapon ang NLEX Road Warriors at ang RNW Pacific Pipes habang magaagawan sa kanilang ikalawang panalo ang liamadong Cebuana Lhullier Gems at FCA.

Kapwa tangan ng Pacific Pipes at NLEX ang 1-1 win-loss slate sa group A habang may tag-iisang panalo ang Cebuana Lhullier at FCA sa 17 composition sa group B ng PBA Developmental League.

Nakuha naman ng Max! Bond Sumos ang unang panalo kasunod ng pagpapadapa sa Cafe France Scorpions, 83-62, habang nagpamalas ng abilidad ang PC Gilmore Wizards sa paghahatid ng pangalawang talo sa Freego Jeans, 81-72.

Ang tirador na si Carlo Lastimosa ay kumana ng 20 puntos, humablot ng 3 boards, 3 assists, at makailang ulit na nakaagaw ng bola ang tianghal na best player of the game.

Bagaman nakaungos ang Freego Jeans sa unang quarter, 27-20, ay nakabuwelta ang tropa ni Coach Richard Del Rosario sa pagtutulungan nina Lastimosa, Allan Mangahas, at Jan Cortez na naglatag ng masikip na depensa na nagpahirap sa mga taga-Freego.

Tinanghal na bida sa Max! Bond Sumos si Rudy Linganay na bumuslo ng 23 puntos na inalalayan ni Reil Cervantes na bumuslo ng 16 nang tuloy-tuloy na iniwan ang Scorpions na kinatawan ng mga players mula sa Centro Escolar University. Si Linganay ay ang Pinoy import ng Kuala Lumpur Dragons sa huling ASEAN Basketball League 2nd conference ay naging malaking tulong sa kupunan sa kanilang paglahok sa PBA D-League. Radito Torres

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply