Pedicab driver tinubo sa ulo at mukha, dedo

BASAG ang bungo ng isang pedicab driver makaraang pagpapaluin ng tubo hanggang sa mapatay ng dalawang kasamahang driver sa lungsod Quezon Martes, Marso 15.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakilanlan ng biktimang nakilala lamang sa alyas na “Lando,” na ang edad ay nasa pagitan ng 30 at 35 anyos, nakasuot ng puting t-shirt at maong na short pants.

Agad naman naaresto ang isa sa mga suspek na si Edgar Bustillo, residente rin ng naturang lugar, habang tinutugis ang kasamahang nakatakas na nakilala lamang sa alyas na “Val.”

Sa inisyal na ulat ni PO3 Jimmy Jimena, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng NIA Rd., Brgy. Pinyahan ganap na 11:25 ng gabi.

Diumano, ang biktima at mga suspek, na magkaka-tropa, ay naglalakad nang biglang magkaroon ng pagtatalo hanggang sa pagpapaluin ng mga huli ang una gamit ang tubo.

Nang makita ng dalawang salarin na walang buhay ang biktima, mabilis na sumibat ang mga ito.

Agad tinungo ng mga rumespondeng pulis ang lugar na maaaring pagtaguan ng mga suspek na nagresulta naman ng pagkakaaresto kay Bustillo.

Pansamantalang nakapiit  ngayon si Bustillo sa Criminal Investigation and Detection unit (CIDU) ng Quezon City Police District habang inihahanda ang  kasong isasampa laban sa kanya. James de Jesus/Photo by Ivan Gaddia

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply